Employers may alinlangan sa Extended Maternity Leave
MANILA, Philippines — Malaki ang posibilidad na mas makaperwisyo sa halip na makabuti sa mga kababaihan ang bagong batas na nagbibigay ng mas mahabang maternity leave.
Ito ang inihayag ni Employers’ Confederation of the Philippines President Sergio Ortiz Luis, dahil kung magkakaroon ng pagkakataon ang mga employers, tiyak na mas pipiliin nilang kumuha ng mga lalaki kaysa babaeng manggagawa.
Binigyang diin pa ni Luis na halos 90 porsiyento ng mga negosyo sa bansa ay maituturing na micro-business habang walong porsyento ang small businesses na hindi kakayaning pasanin ang expanded maternity leave law.
“Sa palagay namin makakaperwisyo sa kababaihan dahil siyempre kahit anong anti-discrimination na sabihin mo kapag talagang may choice ang kumpanya at wala kang trabaho ay hindi mapapasok ang iba diyan,” ani Luis
Dagdag ni Luis, hindi man magresulta sa pagsasara ng mga kumpanya ang expanded maternity leave law, maaari pa rin itong makapagpahina ng loob sa ibang nagbabalak pa lamang magtayo ng negosyo.
Dito na aniya papasok ang pag-iisip na ibangko na lamang ang pera at siguradong kikita ito at hindi malulugi.
- Latest