1,025 loose firearms nasamsam
MANILA, Philippines — Umaabot na sa 1,025 mga armas mula sa 96 na mga pribadong security agencies na ipinahinto na ang operasyon noong 2018 ang nakumpiska ng Philippine National Police sa pinaigting na crackdown operations laban sa mga loose firearm sa bansa kaugnay ng gaganaping midterm election sa Mayo ng taong ito. Sinabi ni PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde na na inaasahan namang marami pang mga baril mula sa 356 pang Private Security Agencies na may Cease to Operate Orders ang makukumpiska ng PNP. Ayon naman kay PNP-SOSIA Director P/Chief Supt . Noli Romana, ang mga lisensya ng 96 pribadong mga security agency ay binawi matapos namang mabigo ang mga itong makapagpa-renew ng kanilang mga lisensya para makapag-operate sa kanilang mga negosyo.
- Latest