Umento sa sahod ng gov’t employees iniapela sa SC
MANILA, Philippines — Hiniling sa Korte Suprema ni House of Representatives Majority Leader Rolando Andaya, Jr. kasama ang may 50 government employees na atasan ang Department of Budget and Management na ipalabas na ang ikaapat na tranche ng umento sa sahod ng mga empleyado ng gobyerno.
Kasama ni Andaya ang may 50 government employees mula sa executive at sa legislative sa paghahain ng class suit.
Matatandaang sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno na walang legal na basehan na ipalabas ang ikaapat at huling pagtataas ng sahod ng mga empleyado ng gobyerno dahil hindi pa naman naipapasa ng Kongreso ang 2019 budget.
Nabigo umano ang mga mambabatas na aaprubahan ang P3.7-trilyon budget bago mag Christmas break dahil sa mga ginawang insertion ng budget department.
Gayunman, iginiit ni Andaya na ang P100-bilyon pondo sa miscellaneous personnel benefits fund noong 2018 budget ay sobra pa para maibigay ang elP42.7-bilyon halaga ng salary increase.
Nalaman na may 1 milyong empleyado ng gobyerno ang apektado kung hindi maibibigay ang dagdag na suweldo ngayon (Enero15).
Kaugnay nito, tiniyak naman ni Diokno na ipatutupad ng retroactive ang dagdag na sahod sa sandaling maaprubahan ang 2019 General Appropriations Act of 2019 sa Pebrero.
- Latest