^

Bansa

Palasyo wala pang abiso kung holiday ang Bgy., SK polls

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Wala pang desisyon ang Palasyo kung ide­deklara bilang special non-working holiday ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa darating na Mayo 14.

Idaraos sa Mayo 14 ang barangay at SK elections na ilang ulit na ring naipagpaliban kaya ilang mambabatas ang nagmungkahi na gawin itong special non-working holiday upang makaboto ang mga botante.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ayaw niyang pa­ngunahan si Pangulong Duterte sa anumang magiging pasiya nito para sa naitakdang petsa ng halalan.

Gayunpaman, sinabi ni Roque na makatwiran lang kung sakaling magdesisyon ang Pangulo na ideklarang walang pasok ang Mayo 14.

Sa pamamagitan ng Resolution No. 10301, iginiit ng Commission on Elections na kailangang magamit ng mga botante ang kanilang right of suffrage dahilan upang hikayatin ang Palasyo na gawing special non-working holiday ang naturang petsa.

NON-WORKING HOLIDAY

SANGGUNIANG KABATAAN ELECTIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with