^

Bansa

423 katao nakinabang sa MPDPC, NPC at UNTV medical mission.

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Mahigit sa 400 katao ang naging benipisyaryo at nakinabang sa katatapos na medical, dental, optical, legal at feeding mission na isinagawa ng pamunaun ng Manila Police District Press Corps (MPDPC) National Press Club (NPC) at UNTV.

Ang programa ay sinimulan dakong alas-7:00 ng umaga na isinagawa sa MPD Headquarter’s, UN Ave., Ermita, Manila.

Sa report ni Cyril Oira-Era at Amor Tulalian ng Kamanggagawa Foundation, Inc., umabot sa 423 katao ang nasuri sa iba’t ibang karamdaman.

Sa nasabing bilang, 92 ang adult  na sumalang sa medical consultation, 19 ang pedia, 61 ang nasuri sa mata na binigyan din ng libreng salamin, 31 ang nagpabunot ng ngipin, 3 ang nagpa-X-ray, 14 ang nagpa-CBG, 9 ang nagpa-physical therapy, 6 ang natulungan sa suliraning legal habang 187 ang nabigyan ng iba’t ibang gamot at bitamina.

Ang tagumpay ng isang araw na paghahatid na misyong ay sa pamamagitan ng  sama-samang tulong ng 127 indibiduwal na kinabibilangan ng mga doktor, dentist, optometrist, physical therapist, nursing at dental assistants,  mga opisyal at miyembro ng MPD Press Corps at NPC.

Pinangunahan nina NPC President Paul Gutierrez, MPDPC President Mer Layson, at Dr. Napoleon Borje ng UNTV ang nasabing proyekto.

Ayon kay Gutierrez at Layson, hindi lamang ang paghahatid ng balita at impormasyon ang nais nilang iparating sa publiko, maging ang pagbibigay at pagsusulong ng kalusugan at spirituwal well-being sa komunidad. 

MPDPC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with