Pia binisita ang mga sugatang sundalo
MANILA, Philippines – Tumaas ang moral, nabuhayan ng pag-asa at higit pang naging inspirado ang mga na-star struck na mga sugatang sundalo sa pagbisita kahapon ni 2015 Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach sa Heroes Ward ng AFP Medical Center sa V. Luna, Quezon City.
Ito ay bilang bahagi ng kanyang charity events.
Isa si AFP vice chief Lt. Gen. Edgar Fallorina at iba pang opisyal ang sumalubong sa beauty queen.
Ginawaran naman si Pia ng patch, name plate at ng bandila ng Pilipinas.
Labis ang kagalakan ng mga sugatang sundalo na naka-confince sa Heroes Ward 3 A matapos na paunlakan ni Wurtzbach ang ilang request na siya ay maka-selfie at nakipagbiruan rin sa mga ito.
“Sabi niya paano daw ako natamaan ng bala, tapos sabi niya nagpapasalamat sya sa pagtatanggol naming mga sundalo sa ating bansa at magpagaling daw kami,” kuwento ng isang Army corporal.
Dumalaw din si Wurtzbach sa HIV Charity Section na kapwa nasa V. Luna Hospital. Matatandaang isa sa advocacy nito ay makatulong sa pagpapalaganap ng HIV/AIDS awareness campaign.
- Latest