Sanctions vs Nokor H-bomb test
MANILA, Philippines – Dahil sa ginawang hydrogen bomb test ng North Korea, nagkasundo ang United Nations Security Council na bumuo ng mga hakbang na magpaparusa sa DPRK o Nokor.
Matapos ang pag-amin ng Pyongyang na matagumpay ang kanilang ginawang hydrogen bomb test, umani ito ng pagkondena sa United Nations at sa international community.
“I demand the DPRK cease any further nuclear activities,” pahayag ni UN Secretary General Ban Ki-moon.
Sinabi ng UN na isang malinaw na banta sa internasyunal na kapayapaan at seguridad ang underground bomb test ng North Korea na kilalang kaalyado ng China.
Nagkasundo na ang makapangyarihang konseho na kanila nang sisimulang bumalangkas ng draft resolution na naglalaman ng mga hakbang upang masukat ang mga ginawang paglabag ng Nokor.
Posibleng mapatawan ng iba’t ibang sanctions ang Nokor dahil sa ginawang palihim na bomb test matapos ang huli nilang nuclear test noong 2013 at atomic device test noong 2006.
Bukod sa US, umalma ang South Korea.
Inilarawan ito ni South Korean President Park Geun-Hye na “grave provocation” kasabay ng kanyang panawagan sa mga bansa na kondenahin ito.
Isinagawa ang bomb test ng Nokor, dalawang araw bago ang kaarawan ni Nokor President Kim Jong-Un. Bunga nito, naramdaman ang 5.1 magnitude na lindol sa Pungye-ri nuclear test site sa northeastern Nokor.
- Latest