^

Bansa

Pagkaaresto sa ‘land grabber’ sa Bulacan, pinuri ni Tulfo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinuri ni incoming Senator Erwin Tulfo ang pagkakaaresto sa isang lalaki na sinasabing land grabber umano sa Doña Remedios Trinidad, Bulacan na umano’y nagpapalayas at kumakamkam sa mga timber land na sinasaka ng mga magsasaka.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Camp Crame sa Quezon City ang suspek na itinago ang panglan matapos siyang maaresto ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) noong Hunyo 13 dahil sa iba’t ibang mga kaso.

Sa isang press conference kahapon, inihayag ng HPG na matagal nang nagtatago ang suspek dahil sa patung-patong na kaso gaya ng Syndicated Estafa at Robbery (Extortion).

Nagpapanggap din umano itong undersecretary ng isang ahensya ng gobyerno.

Ayon kay Tulfo, bagama’t nahuli na ang suspek  sa iba’t ibang mga atraso, at hindi sa land grabbing, maituturing pa rin itong tagumpay dahil nasa kamay na ito ng mga otoridad.

Tinuturing ang suspek na nasa likod umano ng pagkamkam ng mga forest land sa DRT, Bulacan.

Kaya muling nanawagan si Tulfo sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at sa mga lokal na pamahalaan kasunod ng pagkakaaresto ng suspek ay agaran nang tanggalin ang mga ilegal na bakod at gate na humaharang sa daanan ng mga residente at magsasaka.

ERWIN TULFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with