DOH: Sitwasyon ng Mpox sa Pinas, kontrolado

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ng Department of Health (DOH) na kontrolado nila ang sitwasyon ng Mpox sa bansa, sa kabila ng pagtaas ng mga naitatalang kaso nito.
Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin naman kasama ang Pilipinas sa public health emergency of international concern na inilabas ng World Health Organization (WHO).
Hindi tinukoy ang eksaktong bilang, ngunit siniguro ni Herbosa na mas mababa pa rin aniya ang bilang ng mga kaso ng sakit ngayong taon, kumpara sa mga naitalang kaso noong 2024.
“There is a slight increase of cases in some (local government units) but this is not higher than last year. Mas mataas pa rin ang nakita naming cases from last year. We are increasing our campaign in education, treatment and isolation para hindi siya kumalat at dumami pa,” dagdag pa ni Herbosa.
Hindi rin naman tinukoy ni Herbosa ang mga lugar kung saan naitatala ang mga bagong kaso ng Mpox ngunit sinabing hindi ito malala at kabilang lamang sa mas mild na Clade II variant.
- Latest