‘Jenny’ nakalabas na ng PAR
MANILA, Philippines — Lumabas na ng Philippine area of responsibility ang bagyong “Jenny” ngayong Martes ngunit asahan pa rin ang pag-ulan sa bansa, ayon sa state weather bureau.
Sinabi ng PAGASA na tuluyan nang nilisan ng bagyo ang bansa bandang 5:30 ng umaga at tinutumbok nito ang timog-silangan ng China.
Huling namataan ang bagyo sa 425 kilometro hilaga hilaga-kanluran ng Itbayat, Batanes kaninang alas-4 ng umaga.
Taglay nito ang lakas na 130 kilometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 160 kph, habang gumagalaw pa kanluran hilaga-kanluran sa bilis na 19 kph.
Kahit nakalabas na ay uulanin pa rin ang ilang bahagi ng bansa dahil sa paghatak ni Jenny sa habagat, ngunit asahang hihina na rin ito.
Wala na rin namang nakataas na public storm warning signal.
- Latest