^

Bansa

Human rights lawyer, House spokesman sa impeachment

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Itinalaga ng House prosecution panel ang beteranong litigation at human rights lawyer na si Atty. Antonio Audie Bucoy bilang official spokesman sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Si Bucoy ay personal na humarap sa mediamen nitong Martes ay napag-alamang isang practicing lawyer sa loob ng 41-anyos at nagtapos sa University of the Philippines College of Law na tinanggap ang posisyon pagkaraang kumbinsihin ng mga kaibigan nito sa prosecution panel.

Kakatawanin ni Bucoy ang public at private prosecutors sa lahat ng opisyal na komunikasyon habang isinasagawa ang paglilitis ng Senado.

“Ako po ang tagapagsalita o Spokesperson ng prosecution panel. Wala pong distinction. Magkasama po diyan ang public prosecutors at ang private prosecutors,” pahayag ni Bucoy.

“Ano ang nag-udyok sa akin na tanggapin ito? Para ho sa ­bayan. Kinausap ako ng ilang kaibigan na nasa prose­cution panel, and sa palagay nila ako ay makakatulong para ilahad sa taumbayan kung ano ang sinusugo ng prosecution. Tinanggap ko po after talking to my family,” giit niya.

Idinagdag pa ni Bucoy na ang kaniyang partisipasyon sa makasaysayang paglilitis ay pro bono o walang bayad. Si Bucoy ay miyembro ng dalawang prominenteng legal advocacy groups na ang Free Legal Assistance Group (FLAG) at Movement of Attorneys for Brotherhood, Integrity and Nationalism Inc. (MABINI).

LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with