Pangulong Marcos pinababantayan cyberbullying sa mga estudyante

MANILA, Philippines — Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ilang ahensiya ng gobyerno na bantayan ang cyberbullying at mental health ng mga estudyante ngayong muling pagbubukas ng klase sa bansa.
Sa pagbisita ng Pangulo sa Epifanio Delos Santos Elementary School sa Malate, Maynila kahapon ng umaga para tingnan ang sitwasyon at kondisyon sa unang araw ng pasukan, inatasan niya ang DSWD at DOH para bantayan ang cyberbullying at mental health ng mga estudyante.
Ito ay para aniya masiguro ang kaligtasan at kaayusan ng mga kabataan sa kanilang pag-aaral.
Ipinag-utos din ng Pangulo sa DOH na siguruhing mayroong mga clinic at health facilities sa mga paaralan para sa mga bata.
Ito ay para masiguro ang kaligtasan at kaayusan ng mga kabataan sa kanilang pag-aaral.
Siniguro rin ni Pangulong Marcos ang suporta sa pangangailangan ng mga pampublikong paaralan sa bansa maging gamit ito o sistema, para maipagbigay alam agad ito kay DepEd Secretary Sonny Angara.
Kasabay nito, inatasan din ng Pangulo ang Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa libreng wifi sa mga paaralan at tiniyak na magkakaroon ng CCTV sa paligid ng mga paaralan upang mabantayan ang mga kabataan.
Nagpasalamat din si Marcos sa lahat ng mga guro sa kanilang mahalagang papel sa paghubog sa pagkatao ng bawat estudyanteng Pilipino.
- Latest