Pinakamalaking tiangge ng antique sa Setyembre 11-Oktubre 5
MANILA, Philippines – Magaganap ang isa sa pinakamalaking pagsasama-sama ng mga beteranong antique collectors at dealers sa bansa sa pagtatanghal ng 22nd Annual National Antique Show mula Setyembre 11 hanggang Oktubre 5 sa Greenhills Shopping Center sa Ortigas Aveneue, San Juan City.
Inorganisa ng Prime Asia Trade Planners and Convention Organizer (PATEPCO), ang event ay magpapakita ng pinakamalawak na koleksyon ng mga muebles at furnishings, kasama na ang potteries, lamp shades, sea treasures at mga alahas sa malawak na lugar ng commercial center.
Ayon sa kanilang panlasa at pangangailangan, ang mamimili ay may malawak na pagpipilian ng antique na muebles na yari sa iba’t ibang uri ng kahoy na kilala sa kanilang ganda, pagka-elegante at tibay, tulad ng narra, tanguile, kamagong, oak, maple at mahogany. Ang mga tindahan na nagbebenta ng antique furniture ay kabilang sa 1,500 stalls na pinapatakbo ng small at medium-scale entrepreneurs na nahubog sa ganitong negosyo sa kanilang madalas na pagsali sa regular na Tianggehan na dalawang dekada nang ginagawa ng PATEPCO sa Greenhills.
Sa likod nitong konsepto ng Tianggehan/Baratillo sa Greenhills ay si Henry G. Babiera, PATEPCO president/CEO na may higit na apat na dekadang may karanasan sa ganitong negosyo. Habang pinayabong niya ang career ng lumahok na entrepreneurs, hinikayat din ni Babiera ang mga nagbabakasyong land-based at sea-based overseas workers (OFWs) at kanilang pamilya na mamuhunan sa nasabing fair.
- Latest