^

Bansa

Isa sa isinoling baril ng MILF, pag-aari ng SAF na minasaker sa brutal na video

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pag-aari ng isa sa 44 napaslang na Special Action Force (SAF) commandos na brutal na pinaslang sa kumalat na video ang isa sa mga armas na ibinalik ng Moro National Libe­ration Front (MILF) sa pamahalaan.

Kinumpirma ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Chief P/Director Benjamin Magalong na baril ni PO1 Joseph Sagonoy ang isa sa 16 mga armas na isinoli ng MILF.

“Based on macro-etching, ballistic examination, etc. conducted (PNP Crime Laboratory), one of the firearms surrendered by MILF  belongs to PO1 Sagonoy,” ani Magalong.

Si Sagonoy ang nakunan ng video na kumalat sa social media  na may tama lamang ng bala sa hita pero tinuluyang patayin ng hinihinalang MILF sa pamamagitan ng pagbaril ng 2 beses sa ulo habang dumaraing.

Si Magalong ang pinuno ng binuong Board of Inquiry ng PNP na nag-iimbestiga sa Mamasapano clash na ikinasawi ng 44 SAF commandos.

Una nang pinalagan ng PNP na tsinap-chop ang isinoling mga baril ng MILF dahil tinanggalan ito ng mga high tech gadgets at pinalitan rin ng mga piyesa.

Sa susunod na mga araw ay ipalalabas na nila ang resulta ng imbestigasyon ng BOI.

Nabatid na nasa 64 ang mga armas na tinangay ng mga kalaban sa Heroes 44. (Joy Cantos)

vuukle comment

BOARD OF INQUIRY

CHIEF P

CRIME LABORATORY

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DIRECTOR BENJAMIN MAGALONG

JOSEPH SAGONOY

JOY CANTOS

MORO NATIONAL LIBE

SI MAGALONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with