^

Bansa

Dismissal ng PMA kay Cudia pinagtibay ng SC

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinagtibay ng Korte Suprema ang pagpapatalsik ng Philippine Military Academy (PMA) kay Cadet Jeff Aldrin Cudia.

Sa desisyon ng SC, hindi nilabag ng PMA ang karapatan ni Cudia na mabigyan ng due process.

“We uphold the PMA’s academic freedom and recognize the right of schools to impose disciplinary sanctions, inc. the power to expel students,” pahayag ng SC.

Napatunayan ng SC na nagkasala si Cudia ng “quibbling” o pagsisinu­ngaling nang sabihin nitong late na nagpalabas ng kanyang klase kaya tinamad na siyang pumasok sa susunod na klase.

Ang “quibbling” ayon sa SC ay paggawa ng  hindi totoong kuwento bagama’t may konting katotohanan.

Dagdag pa ng SC, nilabag ni Cudia ang Honor Code ng PMA na “We, the cadets, do not lie, cheat, steal, nor tole­rate among us those who do so” dahil sa quibling o hindi pagsasabi ng totoo kung bakit nahuli ng da­ting sa klase.

Una nang sinabi ni Cudia na kasama niya ang tatlo pang kaklase nang late nang idismiss ang kanilang subject.

Marso 15, 2014 nang magsampa ng petisyon ang ama ni Cudia upang mabaligtad ang desisyon.

CADET JEFF ALDRIN CUDIA

CUDIA

DAGDAG

HONOR CODE

KORTE SUPREMA

MARSO

NAPATUNAYAN

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with