20 hinimatay sa Manila Cathedral
MANILA, Philippines - Umaabot sa 20 katao ang nangailangan ng first-aid matapos mahimatay sa harap ng Manila Cathedral dahil sa pag-aabang sa Pontifical Mass ni Pope Francis.
Ayon sa Philippine Red Cross (PRC), karamihan sa mga nahimatay ay hindi pa kumakain o kaya’y kulang sa tulog matapos mag-overnight vigil nitong Huwebes ng gabi.
Mabilis naman ang naging tugon ng PRC na nakaantabay sa Andres Soriano Jr. Avenue.
Kabilang ang mga pasyente sa laksa-laksang naghintay sa pagbubukas ng gate ng simbahan upang makiisa sa Eukaristiya ng Santo Papa.
Napanood ang selebrasyon ng misa sa tulong ng malalaking LED screens at speakers na inilagay sa labas ng simbahan.
Noong Huwebes, dalawa din ang naiulat ng Manila Disaster Risk Reduction Management Council na nirespondenhan ng kanilang mga tauhan.
Si Jose Makiling, 70 na inatake ng highblood ay kasalukuyan ngayong nasa PGH habang pagkahilo naman si Kim Cordero, 76.
- Latest