Pemberton ikulong sa city jail - Miriam
MANILA, Philippines - Dapat ikulong sa ordinaryong city jail si US Marine Pfc. Joseph Scott Pemberton.
Naniwala si Sen. Miriam Defensor-Santiago na matapos magpalabas ang korte ng warrant of arrest laban kay Pemberton, ang jurisdiction ng kaso nito ay nasa awtoridad na ng Pilipinas at hindi ng Amerika.
Kung hindi aniya ikukulong sa isang city jail si Pemberton, maliwanag na magkakaroon ng diskriminasyon sa bansa pabor sa isang banyaga.
Naniniwala rin si Santiago na nagkaroon ng “bad faith” sa naunang kaso ng isa pang sundalong Amerikano na si Daniel Smith na inakusahan naman ng rape pero nakabalik ng Amerika lingid sa kaalaman ng publiko.
Nabigyan din umano ng US visa at nakapunta sa Amerika ang sinasabing biktima ni Smith na hindi kaagad nalaman ng publiko at ng media.
“That, for me, was proof of bad faith on the part of the United States, because everything was done in silence. If there is any arrangement to be made, it should be made transparently and the result should be made known to the public as soon as possible,” sabi ni Santaigo.
- Latest