Pagbitaw sa kaso ni Jinggoy ng 3 mahistrado pinigilan
MANILA, Philippines — Ibinasura ng Sandiganbayan en banc ang apela ng tatlong mahistrado ng Fifth Division na bitawan ang kaso ni Senador Jinggoy Estrada.
Nakakuha ng 11 unanimous votes ang anti-graft cour upang pigilan ang pag-inhibit nina Associate Justices Roland Jurado, Alexander Gesmundo at Maria Theresa Dolorez Gomez-Estoesta.
Sinabi ni Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang sa isang ulat sa radyo na muling itutuloy ang pagdinig ng kaso sa lalong madaling panahon.
Umapela sina Jurado, Gesmundo at Gomez-Estoesta nitong kamakalawa na bitawan ang kaso ni Estrada dahl sa “personal reasons.”
Isa si Estrada sa tatlong senador na sangkot sa pork barrel scam.
- Latest