^

Bansa

3 Pinoy patay sa road mishaps sa ME

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong Pilipino ang nasawi sa magkakahiwalay na insidente ng road accidents sa Gitnang Silangan kamakailan.

Batay sa report ng Gulf News, isang 30 anyos na  Pilipinang si Arien Paez ang namatay matapos banggain ng isang kotse habang tumatawid sa isang pedestrian cros­sing sa Dubai, United Arab Emirates. Isang ina ang biktima na nagtatrabaho sa Blue Lines Shipping. Naganap ang aksidente sa First Al Khali Street malapit sa Jumeirak Lakes Towers nitong Linggo. 

Dahil sa tindi ng pagkakabangga, namatay noon din ang Pinay at halos umabot umano ng may 30 metro ang layo ang pagkakatalsik nito habang ang kanyang mga dalang gamit ay nagsikalat sa daan.

Samantala, dalawang Pilipino ang kabilang sa apat katao na nasawi habang pito pa ang malubhang nasugatan nang araruhin sila ng isang pampasaherong bus sa isang istasyon ng bus sa Doha, Qatar noong Biyernes.

Sa ulat na  nakarating sa Department of Fo­reign Affairs (DFA), ang dalawang Filipino natio­nals na nasawi ay isang 50-anyos na lalaki at isang 30-anyos, na babae.  Kinilala sa ulat ng lokal na pahayagang The Peninsula ang mga nasawing Pilipino na sina Acasar Barabay Arato, lalake, 50, at Marescia Tanaid, 30.

Nag-aabang ng masasakyan ang dalawang Pinoy at iba pang mga pasahero sa Doha Central Bus Station sa Frij Al Ghanim area nang bigla silang banggain ng isang bus na nawalan ng kontrol.

 

ACASAR BARABAY ARATO

ARIEN PAEZ

BLUE LINES SHIPPING

DEPARTMENT OF FO

DOHA CENTRAL BUS STATION

FIRST AL KHALI STREET

FRIJ AL GHANIM

GITNANG SILANGAN

ISANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with