^

Bansa

Corruption, extortion sa Port of Manila sisilipin ng Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kahit nagkakaroon na ng solusyon sa matin­ding congestion sa Port of Manila, iimbestigahan pa rin ng komite ni Sen. Bam Aquino ang sinasabing corruption, extortion at iba pang ilegal na aktibidad sa mga commercial harbors.

Ayon kay Aquino, ta­talakayin ng Senate Committee on Trade and Commerce na kanyang pina­mumunuan sa susunod na pagdinig ang mga “questionable fees” na nakakaapekto sa negosyo.

Sabi ni Aquino, na­resolba na ang sinasabing congestion pero nakakatanggap pa rin sila ng reklamo tungkol sa pagre-release ng mga containers sa daungan.

Nagsagawa kahapon ng ocular inspection ang komite ni Aquino tungkol sa sinasabing congestion sa Port of Manila.

Umaabot sa P2,000, P3,000 at P4,000 ang ibi­nabayad per container sa bawat biyahe na ipinapasa naman sa mga consumers kaya tumataas ang halaga ng mga produkto.

Nasolusyunan ang congestion sa Port of Manila matapos tanggalin ni Manila Mayor Joseph Estrada ang truck ban sa nakaraang tatlong linggo.

AQUINO

AYON

BAM AQUINO

KAHIT

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

NAGSAGAWA

PORT OF MANILA

SENATE COMMITTEE

TRADE AND COMMERCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with