^

Bansa

6,002 Pinoy kulong sa abroad

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May 6,002 Pilipino ang nakakulong sa iba’t-ibang bansa dahil sa iba’t-ibang kaso, ayon kay Department of Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario.

Sa isang report na isinumite sa appropriations committee ng House of Representatives na pina­ngunguluhan ni Davao City Rep. Isidro Ungab, sinabi ni del Rosario na sa mga nakakulong ay 807 ang nahaharap sa kasong may kinalaman sa bawal na gamot.

Sinabi pa ng kalihim na 79 na manggagawang Pilipino ang nahaharap sa parusang  kamatayan habang 3,407 ang biktima ng mga human trafficking syndicate.

Sinisikap naman anya ng DFA na tulungan ang mga detenidong Pilipino sa  pamamagitan ng pagkakaloob sa kanila ng legal assistance.

Kabilang pa anya sa tulong na ipinagkakaloob ng pamahalaan ang repatriation, settlement ng immigration fees at overstay fines, probis­yon ng basic necessities kasama ang sa pagkain, damit at personal care products at medical at hospitalization assistance.

Inireport din ni del Rosario na, hanggang noong Agoston 15 ng kasaluku­yang taon, ang DFA ay merong P311.9 milyong pondo para sa pagtulong sa mga gipit na  Pilipino sa ibang bansa. Sa halagang ito, P285.6 milyon ang nagasta at ang balanse ay P26.3 milyon.

 

AGOSTON

DAVAO CITY REP

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS SECRETARY ALBERT

HOUSE OF REPRESENTATIVES

INIREPORT

ISIDRO UNGAB

KABILANG

PILIPINO

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with