Korte nagpasok ng plea para kay Palparan
MANILA, Philippines – Tumangging maghain ng plea si retired major general Jovito Palparan matapos basahan ng sakdal ngayong Lunes para sa kasond kidnapping at serious illegal detention sa Malolos, Bulacan.
Sa halip ay si Judge Teodora Gonzalez ng Malolos Regional Trial Court Branch 14 na ang nagpasok ng plea sa binansagang “Berdugo” ng mga aktibista.
Nagdesisyon din ang korte na manatili si Palparan sa Bulacan Provincial Jail habang dinirinig ang kaso.
Naunang hiniling ng kampo ni Palparan na manatili ang ang retiradong opisyal sa National Bureau of Investigation detention facility upang matiyak ang kaligtasan niya.
Nagpasa rin sila ng supplemental motion upang makulong si Palparan sa detention facility ng Armed Forces of the Philippines.
Nag-ugat ang kaso laban kay Palaparan matapos mawala ang dalawang estudyante ng University of the Philippines na sina Karen Empeño at Sheryln Cadapan noong 2006.
- Latest