Puerto Princesa Airport sisimulan na
MANILA, Philippines - Sisimulan na ang konsÂtruksiyon ng $82.9-milyong Puerto Princesa Airport project makaraang mai-award ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang design-and-build contract nito sa Korean joint venture na Kumho Industrial Co. Ltd. at GS Engineering & Construction.
Ayon kay Ed Ahorro, pangulo ng Puerto PrinÂcesa Tourism Council, labis silang nasisiyahan na mapapalitan na ang kanilang lumang paliparan ng isang moderno at world-class na airport.
Pinasalamatan din ni Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron si DOTC Secretary Joseph Abaya dahil matutuloy na rin ang matagal na nilang pinakamimithing airport modernization project na kinabibilangan ng bagong air navigation system, connecting taxiways, bagong passenger at cargo terminal buildings, apron at iba pa.
Sinabi ni Bayron, maÂsosolusyunan na ang inconvenience ng kanilang mga bisita na matagal nang nagtitiis sa kanilang maliit at poorly-equipped na paliparan.
Sa ngayon ang airport terminal ng Puerto PrinÂcesa ay may carrying capacity na 350,000 passengers lamang kada taon, ngunit sa record, noong 2013 ay umaabot sa 1.35 million travelers ang kinailangang i-handle ng paliparan na lampas sa kapasidad nito, sanhi upang hindi maÂging komportable ang mga pasahero.
Sa sandali umanong maging operational, makakayanan ng bagong airport complex na mag-accommodate ng hanggang dalawang milyong pasahero taun-taon.
- Latest