^

Bansa

‘Wag pasaway sa rehab - Ping

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbabala kahapon si Rehabilitation Czar Panfilo “Ping” Lacson na lalong ibabaon sa paghihirap ang mga biktima ng bagyong Yolanda ng mga “pasaway” na pulitiko at grupo na humahadlang sa rehabilitasyon sa rehiyon.

Bagama’t katanggap-tanggap ang mga pagpuna, sinabi ni Lacson na hindi dapat pangibabawin ng mga pulitiko at political group ang kanilang mga pansariling interes at papaniwalain ang mga biktima na walang ginagawa ang pamahalaan para sa kanila.

Nakapagsumite na ang mga cluster o grupong may kanya-kanyang aksyon at programa para sa rehabilitasyon at inaantay na lamang ng kanyang opisina ang Post Disaster Needs Assessment ng Office of Civil Defense para sa pagbubuo ng isang master plan sa rehabilitasyon.

Bawat grupo ay may gagawin gaya ng para sa imprastraktura sa ilalim ni DPWH Secretary Rogelio Singson; pabahay - Vice Pres. Jejomar Binay; kabuhayan - Trade and Industry Sec. Gregory Domingo; social services - DWSD Sec. Dinky Soliman; suporta - Budget and Management Sec. Butch Abad at National Economic Development Authority Director General Arsenio Balisacan.

Sinabihan na rin ng kalihim ang lahat ng mga gobernador at mayor ng Tacloban City na magsumite na rin ng kani-kanilang mga plano upang maaksyunan ng kanyang opisina at ng mga cluster bago maisumite kay Pangulong Aquino para maaprubahan at magiging tuloy-tuloy na ang pagbangon ng mga biktima ng kalamidad.

Mayroon nang 130 bahay na natapos ng mga pribadong grupo at naipamigay na sa mga benepisyaryo, 14,873 ang itinatayo habang nakaprograma nang itatayo ng National Housing Authority ang 182,843 bahay mula sa nasa 200,000 itatayo o ire-repair pa lamang.

May 51 gusaling pampaaralan naman ang naitayo na at 165 ang ginagawa pa lamang habang malapit na ring maitayo o ma-repair ang 18,456 silid-paaralan.

Nakapamigay na rin ang pamahalaan ng materyales para sa 12,000 bangkang pangisda at may 877 bangka na ang naipamigay ng mga pribadong grupo.

Sabi pa ni Lacson, umabot sa 26 milyong board feet ang nakuhang materyales mula sa anim na milyong niyog na natumba at pinakikinabangan na ng mga mamamayan.

Sa ngayon ay may 26,155 na lote pa lang ang tiyak na pagtatayuan ng mga bahay at nasa 216,966 ang dapat na itayo.

Isinusulong na rin nito na gawin nang resettlement area ang mga lupa ng gobyerno na matatagpuan sa mga lugar ng kalamidad.

 

BUDGET AND MANAGEMENT SEC

BUTCH ABAD

DINKY SOLIMAN

GREGORY DOMINGO

JEJOMAR BINAY

LACSON

NATIONAL ECONOMIC DEVELOPMENT AUTHORITY DIRECTOR GENERAL ARSENIO BALISACAN

NATIONAL HOUSING AUTHORITY

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with