^

Bansa

Ngayong Holy Week Manila Water tiniyak na normal ang suplay ng tubig

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Manila Water, ang kunsesyonaryo ng patubig at alkantarilya sa silangang bahagi ng Metro Manila, na mananatiling normal ang kanilang serbisyo at operasyon nga­yong Semana Santa.

Sa gitna ng umiigting na pagkabahala ng mga kustomer sa East Zone patungkol sa pagkawala ng serbisyo ng tubig sa kanilang lugar, tiniyak ni Jeric Sevilla, tagapagsalita ng Manila Water, na “walang pagbabago sa aming suplay ng tubig sa mga darating na linggo. Makatitiyak ang aming 6.3 milyong kustomer sa East Zone sa patuloy na 24/7 na serbisyo ng tubig.”

Ngunit idinagdag ni Sevilla na patuloy na mag-aantabay ang mga kawani ng Manila Water kung sakaling manganga­ilangan ng biglaang pagkukumpuni.

Nagkakaloob ng serbisyo sa patubig at alkantarilya ang Manila Water sa Mandaluyong, Marikina, Pasig, Pateros, San Juan, Taguig, Makati at ilang bahagi ng Quezon City at Maynila gayundin sa Lunsod ng Antipolo at mga bayan ng Angono­, Baras, Binangonan, Cainta, Cardona, Jala-Jala, Rodriguez, Taytay at San Mateo sa lalawigan ng Rizal.

ANGONO

BINANGONAN

EAST ZONE

JERIC SEVILLA

MANILA WATER

METRO MANILA

QUEZON CITY

SAN JUAN

SAN MATEO

SEMANA SANTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with