^

Bansa

Vendor binistay ng bala, habang naglalaro ng ‘dama’

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa ang nasawi ma­karaang pagbabarilin ng dalawang armadong lalaki habang ang una ay naglalaro ng ‘dama’ sa lungsod Quezon kahapon ng madaling- araw.

Kinilala ni SPO1 Pascual Fabreag,  ang biktima na si Joe Aquino­, 37, at residente ng  Kalayaan B, Brgy. Batasan Hills.

Ayon kay Fabreag, inaalam pa nila ang pagkatao ng dalawang suspect na mabilis na tumakas makaraan ang krimen.

Nangyari ang insi­dente sa  harap ng isang bahay sa may Kaibigan St., ng nasa­bing ba­rangay, ganap na ala-1 ng madaling-araw.

Nabatid na naglalaro ng ‘dama’ ang biktima sa kaibigang si Jef-Jef nang biglang sumulpot ang mga suspek at pagbabarilin ang una.

 Sa takot mabilis na nagtatakbo palayo si Jef-Jef at iniwan ang biktima na duguang nakahandusay sa semento, habang ang mga suspek naman ay mabilis na nagsipagtakas.

Ilang sandali pa ay dumating naman ang mga awtoridad at nagsagawa ng pagsisiyasat kung saan narekober sa lugar ang apat na basyo at isang slug ng kalibre 9mm na baril.

vuukle comment

AYON

BATASAN HILLS

BRGY

FABREAG

JEF-JEF

JOE AQUINO

KAIBIGAN ST.

KALAYAAN B

PASCUAL FABREAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with