P1M multa sa may-ari ng colorum bus
MANILA, Philippines - Gagawing P1 milyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) ang multa na ipapataw sa may-ari ng colorum bus.
Samantalang aabutin naman ng P200,000 ang ipapataw na penalty sa may-ari ng colorum na UV express units, habang P120,000 peÂnalty sa may ari ng colorum na taxi at P50,000 peÂnalty sa colorum na jeep.
Ang mga unit naman na sangkot sa opeÂrasyong colorum ay iimpound ng naturang mga ahensiya.
Sinabi ni LTFRB Chairman WiÂnÂsÂton Gines na maaari ring makansela ang franchise ng sinumang may-ari ng mga for hire vehicles na lalabag sa itinatakda ng mga batas at patakaran ng ahensiya para sa opeÂrasyon ng mga public utility vehicles.
Anya, ang panukalang itaas ang multa sa mga nag-ooperate ng colorum vehicles ay para madisiplina ang mga may-ari ng sasakyan na pumapasada ng walang kaukulang dokumento. Ang multa ay batay umano sa halaga ng isang unit ng sasakyan.
- Latest