Privatization ng Ortho kinontra
MANILA, Philippines - Ikinabahala ni LingaÂyen-Dagupan Archbishop emeritus Oscar Cruz ang Private-Public Partnership program ng admiÂnistrasyong Aquino na isa umanong paraan sa pag-iwas sa mga resÂponsibilidad o tungkulin na dapat ipagkaloob sa mga mamamayan.
Tinukoy ni Archbishop Cruz na isang halimbawa ang pagsasapribado ng Philippine Orthopedic Medical Center na itinatayo para sa mga mahihirap na hindi halos makabayad sa gastusin sa mga pagamutan at doctors fee.
Wika ni Cruz, ang mga pasilidad na ito ay dapat na pinangangalagaan ng kinukolektang buwis sa mamamayan.
Kapag naisapribado na ang lahat ng public utilities ay saan anya pupunta at saan pupulutin ang mga mahihirap.
Nangangamba rin ang CBCP-Episcopal Commission on Health Care na lalaki ang bilang ng mga mamamatay at lalong lalala ang kalagayan ng health and services sa bansa sa mga plano ng gobyerno na ibigay sa mga multi-national companies ang pangangasiwa at pagpapatakbo ng mga public utilities sa bansa na nagbibigay ng kapakinabangan sa mga mahihirap at kapuspalad.
Ayon sa World Bank Institute, ang PPP ay isang programa para maÂgamit ang resources ng pribadong sektor – kaÂbilang na ang teknikal, pangangaÂsiwa, at pinansiyal – upang maihatid ang mahahalagang serbisyo publiko tulad ng imprastraktura, kalusugan at edukasyon sa Pilipinas na napabayaan ng pamahalaan.
Sa isang pag-aaral naman noong 2007, mula sa 302 utilities na isinaÂilalim sa PPP program sa 71 papaunlad na bansa ay naÂging mahusay ang serbisyo ngunit tumaas ang singil sa serbisyo at produkto at bumaba ang bilang ng mga manggagawa.
Sinabi ng National Orthopedic Hospital Workers Union, higit sa 900 kawani ang mawaÂwalan ng trabaho sa pagsasapribado ng pagaÂmutan.
- Latest