Alert level 2 sa Thailand
MANILA, Philippines - Itinaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa crisis alert level 2 ang sitwasyon sa Thailand bilang seguridad sa libu-libong Pinoy na naapektuhan sa matinding karahasan sa nasabing bansa.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez, mula sa alert level 1 na “precautionary phase†ay inilagay na sa restricted phase sa ilalim ng alert level 2 nag Bangkok at iba pang mga kalapit na lugar na isinailalim ng Thai government sa 60-araw na state of emergency.
Nagdesisyon umano si Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na itaas ang alerto dahil sa totoong banta sa buhay, seguridad at ari-arian ng mga Pinoy sa kabila na rin ng pagtaas ng “internal disturbance†at “external threat†sa Thailand.
Sa ilalim ng alert level 2, ang mga Pinoy sa Bangkok at sa mga nasa palibot nitong mga lugar ay pinagbabawalang gumala, tumungo sa mga pinagdadausan ng demonstrasyon at pagkilos at maghanda sa posibilidad na paglikas sakaling itaas ang alert level 3.
Handa umano ang Embahada na magbiÂgay tulong sa mga Pinoy na nangangailangan ng assistance sa nasabing bansa.
- Latest