^

Bansa

Pagpili ng susunod na Santo Papa, sisimulan sa Mayo 7

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakatakdang simulan ng Simbahang Katolika ang pagpili ng bagong Santo Papa sa susunod na linggo.

Sa anunsiyo ng College of Cardinals, sisimulan nila ang conclave para sa paghahalal ng ika-267 Santo Papa ng Simbahang Katolika, kapalit ng yumaong si Pope Francis, ?sa Mayo 7.

Ang naturang petsa ay pinagdesisyunan sa isang closed-door meeting ng mga Cardinal, na isinagawa matapos mailibing si Pope Francis noong Sabado.

Nasa 135 cardinals, na lahat ay wala pang 80-taon ang edad at mula sa iba’t ibang panig ng mundo, ang eligible upang makilahok sa conclave, na isasagawa sa loob ng Sistine Chapel.

Inaasahang si Cardinal Giovanni Battista Re, dean ng College of Cardinals, ang magpi-preside sa conclave.

Kinakailangan umano ng isang cardinal na makakuha ng two-thirds majority o 90 boto, upang mahalal bilang bagong Santo Papa.

Ang binabantayan naman ng mga mananampalataya ay ang usok na lumalabas sa chimney ng Sistine Chapel na siyang nagsasaad kung nakapili na ng bagong Santo Papa ang mga cardinal.

Nabatid na ang itim na usok na lalabas sa chimney ay nangangahulugang wala pang napipiling bagong Santo Papa ngunit kung puti naman ang usok, ay nangangahulugan itong nakapaghalal na sila ng bagong supreme pontiff.

Samantala, kinumpirma naman ng maimpluwensiyang Catholic Bis­hops’ Conference of the Philippines (CBCP) na isa si Cardinal Luis Antonio Tagle sa tatlong cardinal, na napili upang tumulong kay Camerlengo, Cardinal Kevin Farrell, sa gagawing paghahanda para sa conclave.

SANTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with