^

Bansa

Pangulong Marcos sa PNPA graduates: ‘Maging marangal, kahit walang parangal’

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos sa PNPA graduates: ‘Maging marangal, kahit walang parangal’
Nagmartsa ang mga kadete mula sa PNPA “Sinaglawin” Class of 2025 na nagsipagtapos kahapon sa Camp General Mariano N. Castañeda, Silang, Cavite. Nanguna sa klase si PLt. Marc Joseph L. Vitto mula sa Gloria, Oriental Mindoro, na masuyong niyakap ng kanyang ina.
Noel Pabalate

MANILA, Philippines — “Piliin ang marangal, kahit walang parangal, at ang paninindigan na tama kahit walang nakakakita”.

Ito ang bilin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga miyembro ng Philippine National Police (PNPA) Class 2025 Sinaglawin na nagsipagtapos kahapon sa Camp General Mariano N. Castañeda, Silang, Cavite.

Sa kanyang talum­pati, binilinan ng Pangu­lo ang mga bagong opisyal ng PNP na gampanan ang kanilang sinum­paang tungkulin at iparamdam ang kanilang presensiya sa publiko.

Hindi anya lingid sa publiko na may mga pulis na nasasangkot sa kontrobersiya at mada­ling maligaw ang katapatan kaya hiniling­ ng Pangulo sa mga bagong graduates ng PNPA na piliin ang ma­ging marangal at palaging manindigan sa tama.

“My dear officers this  country will never ask you to be perfect, but it will ask you to be present, be there let our peoples feel your pre­sence, feel  the presence of their law enforcer, feel the presence of the law,” pahayag pa ng Pangulo.

Hinamon din ni Marcos ang mga bagong nagtapos sa akademya na ito na ang kanilang pagkakataon upang ipakita ang kanilang kaibahan at kahandaan sa pagharap sa kanilang bagong tungkulin.

May pagkakataon aniya na ang kanilang mga paniniwala ay tila hinihila sa magkakaibang direksyon at susubukan ang kanilang katatagan at paninindigan.

Sa kabila nito, nanalig pa rin si Marcos na ang mga bagong gra­duate ng PNPA Class 2025 ang lilinis, magpapatatag ng propesyunalismo sa hanay ng mga pulis.

Nanguna naman sa mga nagtapos si Police Cadet Marc Joseph L. Vitto mula sa Oriental Mindoro bilang class valedictorian, at siya ang tumanggap ng Presidential Kampilan Award, Journalism Kampilan Award at Plaque of Merit sa pagiging number 1.

Ang Sinaglawin Class of 2025 ang kauna-unahang batch sa kasaysayan na magi­ging fully-commissioned bilang Police Lieute­nants ng PNP, kasunod ng implementasyon ng Republic Act 11279, na naglalagay direkta sa PNPA sa ilalim ng PNP at tinuldukan ang dating nakagawian na pagtatalaga sa mga bagong graduates sa Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Jail Management and Penology.

May kabuuang bilang na 206 ang nagtapos na magiging bagong opis­yal ng pulisya, 38 dito ay mga babae at 168 ang mga lalaki.

PNPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with