^

Bansa

Umawat sa away, napatay

Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nagbuwis ng buhay ang isang lider ng komunidad matapos itong pagbabarilin ng tatlong armadong lalaki nang puma­gitna sa pagtatangkang awatin ang sumiklab na kaguluhan sa Brgy. Upper Calarian, Zamboanga City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang na­sawing biktima na si Gilbert Monsira, lider ng Purok 5 sa Brgy. Upper Calarian ng lungsod.

Sa ulat ng Zam­boanga City Police, na­itala ang krimen sa nasabing lugar bandang alas-8:20 ng gabi.

Nasugatan naman sa insidente ang isa sa mga suspek na si Nonoy de la Cruz, matapos na pumalag sa mga nagres­pondeng operatiba ng pulisya nang tangkaing paputukan ng kanyang cal. .45 pistol ang mga parak.

Sa imbestigasyon, tinangkang awatin ng biktima ang kaguluhan sa nasabing lugar matapos na malasing at mag-away ang grupo nina De la Cruz, Suelo Bagyoso at Michael Aliria na umano’y pawang nasa impluwensya ng alak.

Ang biktimang si Monsira ay pinagsa­saksak at pinagbabaril pa ng mga nag-aaway na grupo ng mga kalalakihan na siyang­ kumitil ng buhay nito. Isinugod naman sa pagamutan si De la Cruz, arestado si Bagyoso habang patuloy pang pinaghahanap si Aliria. Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang kasong ito.

BRGY

CITY POLICE

CRUZ

GILBERT MONSIRA

MICHAEL ALIRIA

SHY

SUELO BAGYOSO

UPPER CALARIAN

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with