^

Bansa

Bakuna kontra tigdas, isinagawa ng DOH

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang malawakang  massive vaccination ang  isinagawa ng Department of Health – National Capital Region (DOH-NCR) para mabigyan ng proteksiyon ang mga bata laban sa lumalaganap na sakit na tigdas sa bansa.

Paliwanag ni  DOH-NCR Director Eduardo Janairo, sinimulan  ang pagbibigay ng vaccination sa Purok Molave, Barangay Addition Hills, Mandaluyong City, upang hadlangan ang posibilidad na magkaroon ng epidemya ng tigdas sa Metro Manila.

Plano din nilang magpakalat pa ng measles vaccination teams sa 17 local government units sa Metro Manila kahit pa gaano karami ang bilang ng measles cases doon upang matiyak na mapipigilan ang virus transmission.

Nagdesisyon ang DOH-NCR na magsagawa ng massive measles vaccination dahil sa big­laan at mabilis na pagtaas ng measles cases.

Ang measles o tigdas ay sanhi ng virus na madaling kumalat sa pamamagitan nang pagbahing, pag-ubo at kahit paghinga lamang ng pasyente sa isang kulob na lugar. Madali namang matukoy ang tigdas dahil sa mga rashes na mada­ling kumalat sa mukha at buong katawan.

Madali ring makahawa ang tigdas maliban na lamang kung nabakunahan ang isang tao o kaya’y nagkatigdas na noon.

Batay sa ulat ng Regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU), nakapagtala sila ng kabuuang 233 confirmed measles cases mula Ene­ro 1 hanggang Dis­yembre 14, 2013 at tatlo sa mga ito ang namatay na kinabibilangan ng 9-buwan sa Caloocan, apat na buwan sa Malabon at dalawang taong gulang sa Muntinlupa.

 

BARANGAY ADDITION HILLS

DEPARTMENT OF HEALTH

DIRECTOR EDUARDO JANAIRO

MADALI

MANDALUYONG CITY

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION

PUROK MOLAVE

REGIONAL EPIDEMIOLOGY SURVEILLANCE UNIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with