^

Bansa

‘Looters’ wag sisihin - PNoy

Rudy Andal - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Hindi sinisisi ni Pangulong Aquino ang ginawang looting ng mga nagugutom na residente ng Tacloban City matapos ang pana­nalasa ng bagyong Yolanda sa kanilang lugar kung saan ay 90 percent ng lungsod ay nawasak dahil sa storm surge.

Ayon sa Pangulo, na­ging desperado na ang mga residente matapos ang delubyong kanilang naranasan sanhi ng super typhoon Yolanda at 15-feet na storm surge na sumira sa kanilang mga tahanan.

Aniya, nagawa lamang ng nagugutom na residente ng Tacloban ang ‘looting’ sa mga groceries at malls habang hindi pa nakakarating sa kanila ang relief goods.

Idinagdag pa ng Pa­ngulo sa panayam dito ng CNN, nahihirapan din ang mga local authorities na makaresponde dahil ‘out numbered’ kaya nagpapadala sila ng karagdagang personnel mula sa ibang rehiyon.

Minamadali na rin ng gobyerno sa pamamagitan ng DOTC ang paglalagay ng transportasyon upang makarating sa Maynila o Cebu ang nagnanais na umalis ng Tacloban o kalapit na bayang sinalanta ng bagyo.

Sabi ni Cabinet Sec. Rene Almendras, ang mga C-130 military plane ay nagsasakay din ng mga sibilyan na nais lumuwas ng Maynila dahil wala namang lulan ito pauwi ng Maynila dahil ang sakay lamang nito patungong Tacloban ay ang mga relief goods.

vuukle comment

ANIYA

CABINET SEC

MAYNILA

PANGULONG AQUINO

RENE ALMENDRAS

TACLOBAN

TACLOBAN CITY

YOLANDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with