^

Bansa

Jinggoy ‘inaresto’ sa US

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinabulaanan kahapon ni Senator Jinggoy Estrada ang kumalat na balita sa ilang social networking site katulad ng Facebook na inaresto siya sa San Francisco International Airport. 

Sa isang text message na ipinadala sa mga reporters noong Lunes ng gabi, sinabi ng kampo ni Estrada na walang katotohanan ang napaulat sa www.sowhatsnews.wordpress.com at sa www.inagist.com  na inaresto siya sa airport matapos magtangkang magpuslit ng malaking halaga ng salapi sa Amerika.

Nagtungo sa Amerika si Estrada para samahan sana ang asawang si Precy upang humingi ng second opinion kaugnay sa bukol sa dibdib nito. Pero umalis si Estrada noong Sabado ng hindi kasama ang asawa.

“My staff just called me at 5 a.m. to inform me that there is an article circulating that I have been arrested in the US for bringing in huge amount of US$. That is absolutely NOT TRUE,” nakasaad sa text message ni Estrada.

Nakasulat sa artikulo na pinigil ng mga airport officials si Estrada matapos mapuna ang “bulge” o nakabukol sa kanyang “upper body”

Ayon pa sa artikulo ng siyasatin ng mga awtoridad ang katawan ng senador na tinatawag umanong “sexy senator” mula sa Pilipinas ay nakita ang bundles ng pera na nakatali sa kanyang “muscles” at “skin”.

Ipinahiwatig sa “satirical report” na ang pera ay mula sa mga Filipino taxpayers.

Isa si Estrada sa tatlong senador na sinasabing nakinabang sa pork barrel scam.

AMERIKA

AYON

ESTRADA

FACEBOOK

IPINAHIWATIG

ISA

NAGTUNGO

SAN FRANCISCO INTERNATIONAL AIRPORT

SENATOR JINGGOY ESTRADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with