^

Bansa

17 senador aprub suspindihin ang SK polls

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aprub sa may 17 senador na ipagpaliban ang SK elections sa Oktubre at ituloy na lamang ito sa 2016.

Sa weekly forum sa Annabels sa Quezon City, sinabi ni Senate President Franklin Drilon na minamadali na nila sa Senado ang pagpasa sa Senate Bill No. 1186 na nagpapaliban sa naturang halalan.

Anya, pabor din siya sa pahayag ni Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na huwag payagan ang mga incumbent SK officials na manatili sa puwesto hanggang 2016 dahil pagdating ng taong ito ay mataas na sa 17 anyos ang mga ito o overage na sa nabanggit na taon.

Ang SK officials ay 15 hanggang 17 anyos lamang.

Sa kasalukuyan ay nakapasa na sa ikalawang pagbasa sa Senado ang panukalang ipagpaliban ang SK elections ngayong taon.

Sinasabing marami ang nadismaya sa pagkakaroon ng mga lider na kabataan dahil nagagamit lamang umano ito ng mga politiko sa kanilang pansariling interes.

 

ANNABELS

ANYA

APRUB

BONGBONG

DRILON

MARCOS JR.

QUEZON CITY

SENADO

SENADOR FERDINAND

SENATE BILL NO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with