^

Bansa

8 pugante tiklo, 14 pa tugis

Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Walo sa 22 pumugang preso sa Valencia City Jail, Bukidnon ang bumagsak muli sa mga operatiba ng pulisya habang patuloy ang pagtugis sa 14 iba pa na itinuturing na mapanganib dahil sa armado ang mga ito.

Ito ang kinumpirma kahapon ni PNP Public Information Office (PIO) Chief P/Senior Supt. Reuben Theodore Sindac.

Kinilala ni Sindac ang mga puganteng naibalik muli sa selda na sina Albert Espinosa, Roel Llacuna, Rogelio Tayros, Jamal Sambarani, Reymart Balmes, Carlos Lubos, Ronald Ga at si Jorem Baros.

Ayon kay Sindac, sina Espinosa, Llacuna at Balmes ay nasakote sa inilatag na manhunt operations  habang sina Tayros at Sambarani ay sumuko naman sa mga awtoridad.

Patuloy namang pinaghahanap ang mga puganteng sina   Khalid Anggao, Teofisto Villamero, Rodney Trinidad, Name Usop, Kairama Usop, Dionesio Daulong, Macxie Macarampat, Jeffrey Odagon, Ronnie Recibdo, Abdul Nasser Roquero, Jenie Armecin, Marlon Canoy, Papaw Sarip at isa pang hindi nakikilalang suspek.

Noong Miyerkules ng hapon ay pumuga ang 22-preso mula sa Valencia City Jail sa Barangay Pinatilan sa nabanggit na lungsod.

Nabatid na ang mga inmates ay dumalo sa Alternative Learning School (ALS) sa compound ng nasabing pi­itan kung saan matapos ang pagtuturo ay nagpaalam ang ilan sa mga pugante na magtutungo sa palikuran.

Gayon pa man, pinukpok ng mga preso ang ulo ng mga bantay at inagaw ang susi ng armory kung saan limang cal. 9mm pistol at anim na shotgun ang nagawang tangayin sa pagtakas sa pamamagitan ng pag-akyat sa pader sa likuran saka nagpanakbuhan sa bukid.

Narekober naman kay Sambarani ang tinangay nitong shotgun at nakuha rin ang dalawang motorsiklo.

Kaugnay nito, nilinaw naman ni Sindac na wala sa hurisdiksyon ng PNP ang Bureau of Jail Management (BJMP) at tumutulong lamang ang kapulisan sa pag-aresto sa nala­labi pang mga pugante.

vuukle comment

ABDUL NASSER ROQUERO

ALBERT ESPINOSA

ALTERNATIVE LEARNING SCHOOL

BARANGAY PINATILAN

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT

CARLOS LUBOS

SINDAC

VALENCIA CITY JAIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with