Rubout talaga sa ‘Ozamis’ - PNP
MANILA, Philippines - Walang shootout!
Ito ang inihayag kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Alan Purisima base sa tinutumbok ng imbestigasyon ng binuong Task Force kaugnay ng pagkakapatay ng dalawang lider ng Ozamis gang sa San Pedro, Laguna noong Hulyo 15.
Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Purisima na sa isinumiteng report sa kaniya ng pinuno ng Task Force na si Deputy Director General Catalino Cuy, lumutang ang anggulo ng rubout dahil walang indikasyong nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng mga naaresÂtong puganteng lider ng Ozamis robbery gang na sina Ricky Cadavero alyas Kambal at Wilfredo Panogalinga alyas Kulot, at kanilang mga police security escorts.
“It appears na ganun (rubout) but we are completing the evidences so that it can stand in court,†ani Purisima na iginiit pang may mga saksi ring hawak ang mga imbestigador na magpapatunay na walang nangyaring shootout.
Hindi kasama sa sasampahan ng kasong kriminal pero mahaharap sa kasong administratibo si dating Calabarzon Regional Director P/Chief Supt. Benito Estipona na kasama sa 15 nasibak bunga ng insidente.
Kaugnay nito, inaÂprubahan na ni Purisima ang pre-charge evaluation laban sa lahat ng mga opisyal at police personel na dawit sa kontrobersya alinsunod sa rekomendasyon ng Task Force na nag-iimbestiga sa kaso.
Tiniyak ng PNP Chief na tutukuyin ang “utak†sa pagkamatay ng dalawang Ozamis leader para makilala ni PNoy.
Sina Cadavero at Panogalinga ang nasa likod ng mga robbery /holdup sa mga money changer, convenience store at iba pa sa Metro Manila. Naaresto sila noong Hulyo 13 sa Dasmariñas City, Cavite matapos magtago ng ilang buwan.
Sila rin ang responsable sa pagtakas ng tatlong big-time drug lord na sina Wang Li Na Li Lan Yan alyas Jackson Dy at Li Tian Hua matapos harangin ang convoy ng mga jailguard sa Trece Martires City, Cavite nitong Pebrero 20.
- Latest