‘Pork’ alisin na – Drilon: SB ayaw
MANILA, Philippines - Matapos mabunyag ang diumano’y P10-bilyon Priority Development Assistance Fund kung saan nasangkot ang ilang congressmen at senador, kaya iginiit kahapon ni Senator Franklin Drilon ang tuluyang pagtanggal ng PDAF na mas kilala rin sa tawag na pork barrel.
Sa isang panayam sinabi ni Drilon na dapat ng ikonsidera ang pag-abolish sa pork barrel upang mawala ang mga hinalang nagagamit ito sa mga ghost projects ng mga non-government organizations.
Napaulat na 28 congressmen at 5 senador ang nagpalabas ng kanilang PDAF sa mga pekeng NGOs na pag-aari ng isang Janet “Jenny†Lim-Napoles na may-ari ng JLN Group of Companies.
Kabilang sa limang senador sina Senators Juan Ponce Enrile, Bong Revilla, Gregorio Honasan, Jinggoy Estrada, at Bongbong Marcos.
Naniniwala si Drilon na mawawala ang mga sinasabing anomalya kapag nawala na ang pork barrel.
Samantala, hindi naÂman pabor si House Speaker Feliciano Belmonte na i-abolish ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel ng mga mambabatas.
Paliwanag ni Belmonte, ang mga senador ay constituent nito ang buong bansa habang sila naman at mga partylist congressmen ay mayroong sariling distrito at mga constituents na dapat paglaanan ng kanilang mga pork barrel.
Ginagamit umano nila ang kanilang mga pork barrel sa mga proyektong hindi nagagawa at napapabayaan ng national government.
Dahil dito kayat maÂkikipag-ugnayan din ang Speaker kay Justice SeÂcretary Leila Delima at sa National Bureau of Investigation (NBI) upang makakuha ng mga dokumento upang kanyang pagbasehan kung kailangang paimbestigahan sa Ethics Committee ang mga sinasabing sangkot sa nasabing scam.
Nilinaw din ni Belmonte na pawang hindi na kongresista ang sinasabing sangkot sa P10 bilyon Scam maliban kay Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez.
Nangako naman ito na 100 porsiyento suportado nito ang Commission on Audit (COA) sa pagbusisi sa PDAF ng mga mambabatas.
- Latest