^

Bansa

Kontrol ng Administrasyon sa Kongreso mas lumaki

Gemma Amargo-Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Mas magiging kontrolado na ng administrasyong Aquino ang Mababang Kapulungan ng Kongreso ngayong papasok na 16th Congress dahil sa mahigit sa 200 kongresista ang kanilang magi­ging kaalyado ng ruling party na Liberal Party (LP).

Sa listahan na inilabas ng Kamara, lumalabas na 197 sa mga nanalong 234 district Congressmen na miyembro ng 16th Congress ay pawang mga kaalyado ni Pangulong Aquino.

Lumalabas na 108 ay miyembro ng LP, 43 ang Nationalist Peoples Coalition (NPC), 24 sa National Unity Party (NUP), 20 sa Nacionalista Party (NP) at dalawa mula sa Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP).

Samantala, walo naman ang pumasok mula sa United Nationalist Alliance (UNA) at 15 na mula sa iba pang partido.

Hindi naman kasali sa talaan ang 50 partylist Representatives subalit karaniwang ang mga ito ay sumasama sa mayorya o administration bloc sa Kamara.

Sa hanay din ng mga kongresista ng 16th Congess, 143 ang incumbent na nanalo muli nitong eleksyon, 25 naman ang mga dating kongresista at ngayon ay balik Kamara habang 66 naman ang mga bagong kongresista.

DEMOKRATIKONG PILIPINO

KAMARA

LIBERAL PARTY

MABABANG KAPULUNGAN

NACIONALISTA PARTY

NATIONAL UNITY PARTY

NATIONALIST PEOPLES COALITION

PANGULONG AQUINO

UNITED NATIONALIST ALLIANCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with