^

Bansa

SWS, itinanggi kaugnayan sa ‘Sigaw ng Bayan’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mariing itinanggi ng Social Weather Stations (SWS) ang anumang ugnayan nito sa grupong “Sigaw ng Bayan” at sa nagpapakilalang may-ari nito na si Danny ­Mangahas.

Sa liham na ipinadala ng SWS, sinabi ni Director Leo S. Laroza na walang kaugnayan ang kanilang organisasyon kay Mangahas at hindi rin ito kamag-anak ng SWS founder na si Dr. Mahar Mangahas.

“Mr. Danny Mangahas is not related to Dr. Mahar Mangahas,” ayon kay Laroza.

Nilinaw rin ng SWS na hindi kailanman naging opisyal, empleyado, consultant o awtorisadong kinatawan ng organisasyon si Mangahas, at wala itong pahintulot na magsagawa ng survey sa pangalan ng SWS.

Iginiit din ng survey firm na hindi nila affiliate, partner o kaakibat ang “Sigaw ng Bayan,” kasunod ng impormasyon na ipinakikilala umano ito bilang “anak ng SWS.”

May mga ulat din umanong nag-aalok ang grupo ng survey services at mga award sa ilang opisyal ng pamahalaan kapalit ng bayad.

Wala pa namang pahayag si Danny Mangahas kaugnay sa pagtanggi sa kanya ng SWS.

SWS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with