17 Pinoy seafarers, ligtas sa banggaan
MANILA, Philippines — Ligtas at nasa maayos na kalagayan ang 17 Pilipinong seafarers na sakay ng tanker na bumangga sa isang passenger riverboat sa Mississippi River malapit sa Port of New Orleans, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).
Kinumpirma ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na sakay ng Marshall Islands-flagged tanker na Atlantic Asphalt ang mga Pilipino nang mangyari ang insidente. Wala ring Pilipinong kabilang sa mga sakay ng riverboat na American Heritage.
Batay sa inisyal na ulat, posibleng nagkaroon ng problema sa steering o maneuvering system ng tanker bago ito makabangga sa riverboat.
Ayon sa DMW, kumpleto at ligtas ang lahat ng 17 tripulante. Nakikipag-ugnayan na rin ang ahensiya sa mga kaukulang opisina at sa manning agency upang matulungan ang mga seafarer at maayos ang kanilang repatriation.
Patuloy namang imo-monitor ng DMW ang kalagayan ng mga tripulante hanggang sa kanilang ligtas na pag-uwi sa bansa.
- Latest


















