^

Bansa

US nag-sorry sa mga Pinoy sa sumadsad na USS Guardian

Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines -  Nagpaabot na ng mensahe si US Ambassador to the Philippines Harry Thomas kaugnay ng pagkakasadsad ng USS Guardian sa Tubattaha Reef sa Palawan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Thomas na sa ngalan ng gobyerno ng Estados Unidos, siya ay nagpapaabot ng paumanhin sa gobyerno ng Pilipinas at sa mga mamamayan nito.

Tiniyak ni Thomas na nakatutok siya at ang kanilang militar sa pag-aalis ng barko habang sinisikap na hindi na makapagdulot pa ng higit na pinsala.

Tiniyak din ni Thomas na makikipagtulungan sila nang husto sa Pilipinas sa pagtukoy ng pinsala at paggawa ng hakbang para matugunan ang mga isyung pang-kalikasan na kaakibat ng insidente.

 

ESTADOS UNIDOS

GOBYERNO

NAGPAABOT

PALAWAN

PHILIPPINES HARRY THOMAS

PILIPINAS

THOMAS

TINIYAK

TUBATTAHA REEF

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with