^

Bansa

PNoy ‘di pipiyansahan si Acosta

Rudy Andal -

MANILA, Philippines -  Hindi pipiyansahan ni Pangulong Aquino si Presidential Adviser on Environmantal Protection at LLDA general manager Neric Acosta matapos na iutos ng Sandiganbayan ang pag-aresto rito kaugnay sa kasong perjury na nakasampa rito sa anti-graft court.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, mas inaasahan daw ng Malacañang na tatalima si Acosta sa rule of law matapos magpalabas ng arrest warrant ang Sandiganbayan 5th division laban sa kanya.

Bukod kay Acosta ay ipinapaaresto din ng korte ang ina nitong si Mrs. Socorro Acosta at kanyang tiyahin na si Ma. Nemia Bornidor na miyembro naman ng board ng Binhi.

Ang kaso ay kaugnay sa P5.5 milyong pork barrel ni Acosta noong kongresista pa ito sa Vege­table Producers Coope­rative na isang pribadong kumpanya na pag-aari ng pamilya ng mambabatas.

Ayon kay Valte, hindi niya alam kung makakapagpiyansa si Pangulong Aquino na nasa Davos, Switzerland para kay Acosta tulad ng ginawa nito noon kay dating Gov. Grace Padaca na ngayon ay miyembro ng Comelec.

 

ACOSTA

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

ENVIRONMANTAL PROTECTION

GRACE PADACA

MRS. SOCORRO ACOSTA

NEMIA BORNIDOR

NERIC ACOSTA

PANGULONG AQUINO

PRESIDENTIAL ADVISER

PRODUCERS COOPE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with