^

Bansa

P4M tulong ng Makati sa biktima ni Pablo

Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Patuloy ang pagpapadala ng tulong sa mga biktima ng bagyong Pablo sa Visayas at Min­danao makaraang aprubahan ng pamahalaang lungsod ng Makati ang P4 milyong tulong pinansyal para sa “relief at rehabilitation”.

Nanggaling ang P4 milyon buhat sa Quick Response Fund sa ilalim ng Local Disaster Risk Management Fund ng pamahalaang lungsod. 

Dadalhin ang pera sa mga apektadong munisipalidad ng Compostela, Maragusan at Nabunturan sa Compostela Valley at sa Banaybanay, Lupon at Mati City sa Davao Oriental.

Sinabi ni Makati Ma­yor Jejomar Erwin Binay na nagpadala rin sila ng dalawang K9 dogs mula sa Philippine K9 Search and Rescue Foundation at Makati Rescue bilang “rescue teams” sa New Bataan, Compostela Valley noon pang Dis­yembre 7. 

“The devastation in Compostela Valley really saddens us. Makati will provide assistance in whatever form to alleviate the suffering of the people affected by Pablo,” sabi ni Binay.

Mananatili ang grupo sa Compostela Valley hanggat kailangan ang kanilang tulong doon.

Una rito ay nakarekober ang Makati team ng pitong biktima kabilang ang isang missing na sundalo.

COMPOSTELA VALLEY

DAVAO ORIENTAL

JEJOMAR ERWIN BINAY

LOCAL DISASTER RISK MANAGEMENT FUND

MAKATI

MAKATI MA

MAKATI RESCUE

MATI CITY

NEW BATAAN

QUICK RESPONSE FUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with