^

Bansa

Lacson abswelto sa ‘Kuratong Baleleng’

Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pinagtibay ng Korte Suprema kahapon ang naging kautusan ng mababang korte na nagbabasura sa kinasasangkutang multiple murder case ni Sen. Panfilo Lacson kaugnay sa kontrobersiyal na Kuratong Baleleng “rubout” case noong 1995.

Sa desisyong ipinonente ni Supreme Court Associate Justice Roberto Abad, kinatigan nito ang ruling ni Quezon City Regional Trial Court Branch 81, Judge Ma. Theresa Yadao na nagpapawalang-sala kay Lacson sa anumang pananagutang kriminal sa pagkamatay ng 11 miyembro ng Kuratong Baleleng noong Mayo 18, 1995.

Labing tatlong mahistrado ang bumoto pabor sa nasabing desisyon.

Nag-inhibit sa nasabing kaso si Associate Justice Antonio Carpio.

Nauna nang ibinasura ng QC RTC ang kasong murder laban kay Lacson at sa iba pang opisyal ng pulisya dahil sa kawalan ng probable cause.

Paliwanag sa kautusan ng Mataas na Hukuman, walang naging grave abuse of discretion sa panig ni Judge Yadao nang kanyang ibasura ang kaso.

Ang nasabing insidente ng pagpatay ay naganap nang nasa kustodiya ng pulisya o ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) kung saan hepe si Lacson, ang 11 miyembro ng Kuratong.

ASSOCIATE JUSTICE ANTONIO CARPIO

JUDGE MA

JUDGE YADAO

JUSTICE ROBERTO ABAD

KORTE SUPREMA

KURATONG BALELENG

LACSON

PANFILO LACSON

PRESIDENTIAL ANTI-ORGANIZED CRIME TASK FORCE

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with