^

Bansa

Cybercrime Law pinigil ng SC

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pansamantalang pinatigil ng Supreme Court (SC) ang pagpapatupad ng kontrobersiyal na RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 matapos matanggap ang sangkaterbang mga pagtutol at petisyon.

Ginawa ng SC ang pagpapalabas ng temporary res­training order sa ginanap na regular en banc meeting ng mga mahistrado kung saan 14 boto ang pumabor para sa TRO.

Ang TRO ay tugon ng Supreme Court sa 15 petition na inihain ng iba’t ibang grupo, personalidad, media groups, mga abogado, free-speech advocates’ sectors, na ang panguna­hing layon ay mahadlangan ang Cyber law.

Pinakahuling naghain ng petisyon ang National Press Club (NPC), Philip­pine Internet Freedom Alliance (PIFA) at si Bayan Muna Rep. Teddy Casino.

Giit ng mga petitioner, hindi makatarungan ang probisyon sa batas hinggil sa cyber libel dahil sinisikil nito ang karapatan ng lahat sa paglalabas ng kanilang saloobin.

Kwestyunable rin umano ang ilang probisyon dahil nilalabag nito ang freedom of expression, due process, equal protection, right to privacy and correspondence at right to unreasonable searches and seizures.

Inirereklamo rin ang Section 4 hanggang 8 at Section 11, 12, 13, 15, 17, 19, 20, 21 at 22.

Nakasaad sa nasabing mga probisyon ang pag-criminalize sa libel sa internet, ang pagbibigay ng kapangyarihan sa mga otoridad na mangalap, sumuri, mangumpiska at magsara ng mga computer data, at ang pagbibigay ng kapangyarihan sa DOJ na harangin ang access sa computer data na may prima facie o hayag na ebidensyang paglabag sa probisyon ng nasabing batas.

Inihayag naman ni Senate Majority Leader Tito Sotto na kung marami ang tumututol sa online libel dahil mas mataas ang parusa rito ay mas mabuti pang ibasura na ang batas tungkol dito.

Isa si Sotto sa sinisisi kung bakit nagkaroon ng probisyon tungkol sa online libel sa cybercrime law.

Pinapurihan naman ng NPC ang Korte Suprema sa inilabas nitong TRO.

“Ang pakikibaka para maipatigil ang pagpapatupad ng cybercrime law ay bahagi ng mas malawak na pakikibaka ng mga mamamahayag na tuluyang ma-decriminalize ang libel at alisin ang mga mapanupil na probisyon ng RA 10175,” pahayag ni NPC president Benny Antiporda. (Dagdag ulat nina Malou Escudero at Angie dela Cruz)

BAYAN MUNA REP

BENNY ANTIPORDA

CYBERCRIME PREVENTION ACT

INTERNET FREEDOM ALLIANCE

KORTE SUPREMA

MALOU ESCUDERO

NATIONAL PRESS CLUB

SENATE MAJORITY LEADER TITO SOTTO

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with