^

Bansa

Sotto, Jinggoy damay sa Enrile-Trillanes 'war'

- Rudy Andal - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Matapos makipagsagutan kay Senate President Juan Ponce Enrile, ang mga kakampi naman ni JPE ang pinuntirya ni Sen. Antonio Trillanes IV na inakusahan nitong ‘gumapang’ din para mabilis na maipasa ang paghati sa lalawigan ng Camarines Sur.

Tinukoy ni Sen. Trillanes na ‘gumapang’ sina Senate Majority Leader Vicente Sotto III at Senate Pro-Tempore Jinggoy Estrada.

Inakusahan ni Trillanes na sina Sotto at Estrada ang tumawag umano sa kanya para ‘tumahimik’ na ito sa isyu ng Camarines Sur.

“Tinawagan nga nila ako noong Lunes, last week, para lang i-withdraw ang aking reservation for interpellations, para aprubahan na nila.. Sina Sen. Sotto at Sen. Jinggoy Estrada, so, paano nila sasabihin na walang pressure, hindi minamadali eh, iyon yun eh. Ako nga mismo ang tinatawagan nila,” pagbubun­yag ng mambabatas.

Sa kaniyang privileged speech sa plenaryo, hayagang ina­kusahan ni Trillanes si Enrile na umano’y naging sunud-sunuran sa kagustuhan ni da­ting Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ang naturang talumpati ni Trillanes ang pinag-ugatan ng mainit na bangayan ng dalawang mambabatas.

“Tatandaan niyo, ito iyong taong nag-peke ng kaniyang ambush. Tapos paniniwalaan natin ito na para siyang Santo Papa. Tinamaan lang iyong ego niya, kasi wala na akong bilib sa kaniya, sa liderato niya sa style niya. Kumbaga, hindi siya mahalaga sa akin,” sabi umano ni Trillanes.

Sa huling araw ng ses­yon ng Kongreso noong nakaraang linggo, nabigo ang mga senador na talakayin ang panukalang batas. Muling babalik sa kanilang mga trabaho ang mga mambabatas sa Oktubre 8, 2012.

ANTONIO TRILLANES

CAMARINES SUR

JINGGOY ESTRADA

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SANTO PAPA

SENATE MAJORITY LEADER VICENTE SOTTO

SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

SENATE PRO-TEMPORE JINGGOY ESTRADA

SINA SEN

TRILLANES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with