Review sa oil price pinasisilip
MANILA, Philippines - Pinabubusisi ni Anakpawis Rep. Rafael Mariano sa Kamara ang umano’y resulta ng imbestigasyon ng Independent Oil Price Review Committee na walang overprice ang mga kumpanya ng langis.
Ayon kay Rep. Mariano, hiniling na nito na himayin ang findings ng nasabing komite.
Paliwanag ng mambabatas, dapat puwersahin ng komite ang mga oil companies na buksan ang libro ng mga ito upang makita kung talagang makatwiran ang presyo ng kanilang produktong petrolyo.
Kahit hindi umano naiintindihan ng ordinaryong Pinoy ang methodology ng komite sa ginawang review ay napakahirap paniwalaan na walang pag-abuso ang oil companies.
Giit pa ni Mariano, walang pinag-iba ang findings ng komite sa mga nakalipas na review sa kita ng oil companies dahil lalo pang nabigyan ng justification ang nakakadudang galaw ng local na pump prices.
Partikular na umano dito ang mas malimit at mas mataas na oil price hikes habang matagal at madalang naman ang rollback. (Gemma Garcia)
- Latest
- Trending

















