^

Bansa

SB namagitan na sa pro at anti-RH solons

- Gemma Amargo-Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines – Namagitan na si House Speaker Feliciano Belmonte­ sa tumitinding awayan ng pro at anti-RH na mga kongresista matapos ang tension sa plenary.

Ito ay matapos na pulungin ni Belmonte kahapon ang mga kongresista na tutol sa Reproductive Health (RH) bill.

Layunin umano nito na kumbinsihin ang mga anti-RH Congressmen na pumayag sa pagbuo ng isang katanggap-tanggap na bersyon.

Ang Kamara ay bumubuo ng Informal Technical Working Group (TWG) na maglalatag ng amyenda sa panukalang batas.

Kasama rin sa iimbitahan sa magiging pulong ng TWG ang Catholic Bishops Conference of the Phi­ lippines (CBCP) bagamat hindi pa batid kung kailan magaganap ang pulong na ito.

Samantala, iminungkahi naman ni House Minority Leader Danilo Suarez na ituon ang RH bill sa mga pinakamahihirap na pamilyang Pinoy.

Nais din ni Suarez na huwag ng ipilit ang pagsasabatas ng RH bill at ipaloob na lamang sa Conditional Cash Transfer (CCT) program ang pamamahagi ng mga contraceptives.

ANG KAMARA

BELMONTE

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHI

CONDITIONAL CASH TRANSFER

HOUSE MINORITY LEADER DANILO SUAREZ

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE

INFORMAL TECHNICAL WORKING GROUP

KASAMA

REPRODUCTIVE HEALTH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with